Tuesday, February 24, 2009

Minsan Isang Umaga





Minsan may isang umaga
Sa pagitan ng pagpapaalam ng gabi
At pagsikat ng araw
Sa gitna ng karaniwang pag-inog nang ating mga buhay
Nagtagpo ang ating mga landas ng hindi inaasahan.
Hindi inaasahan ngunit pinagtagpo
Hiwaga mang maituturing ang tunay na pinagmulan
Tadhana lamang ang may alam ng dahilan
Di kailangan sambitin
Di kailangan malaman
Di kailangan marinig
Sapat na ang pagadating ng bawat umaga
Upang muling makita ka
Higit pa sa tunay na dahilan na iginuhit ng tadhana.

Sunday, February 15, 2009

well within the bounds of forever


I was chasing the sun until you came along
and slowed me down to sit and wait
for the glorious moon.
I was beyond
happy.