Thursday, May 29, 2008

ngiti sa gitna ng ulan sa liwanag ng gabi

reposted as well.


.. tagahanga lamang ako ng mga bituin.
nakatingala sa langit at nakangiti,
maligaya at nagpapasalamat
sapagka't wala nang hangarin ang di kayang tuparin;
masdan mo ang lalim ng gabi, maliwanag ang kalangitan,
masamyo ang ihip ng hangin at umaawit ang damo sa bawat
yapak ng iyong mga paa
kaaliw ay musika ng misteryong pumapatak sa lupa;

di ba't umuulan na rin habang nagniningning ang mga bituin?