Monday, March 17, 2008

Ulan lamang

reposted.

Sa langit,
Sa mga tala ako’y minsan nanalangin
Sa daluyong ng hangin
Isinabit ang akin hiling
Na sa pag-usad ng panahon
Habang binabagtas ang landas
Patungo sa bukal ng pag-ibig
Na papawi ng uhaw,
At magbibigay lunas,
Kukupkop, magaaruga at
Wagas na magmamahal
Sa isang nilalang na inakala na
Siya ay isang bituin
At piniling yumao upang isilang muli,
Maghihintay at makikiulayaw sa pagpatak ng ulan
Na bubuhay sa bukal ng pag-ibig,
Na siya rin palang lakas sa likod ng daluyong ng hangin
At gabay sa landas na babagtasin
Patungo sa ligaya ng puso
Na tangi ang ulan at ulan lamang
Ang makakarating